Hi Babes! So, iyun na nga, Friday ngayon at walang pasok.. Ay meron pala, yung HOPE namin, every friday kase may HOPE kame. Im Senior High na so, sa Junior High P.E ang subject na yun. At sa Senior High naman ay HOPE na.
Hindi ko pa tapos ang Homeroon Guidance Module 3 ko pero heto ako't nagsusulat ng Blog.
Time check. 8:06 PM na ng gabi, obviously.
So, ako ay may chika. Kaninang hapon, nagvideo ako para gulatin yung kapatid kong si Shane. Tapos nagtago ako sa likod ng pinto.
Pero alam nyo yung masakit? Ang tagal nya pumasok sa pinto๐๐ edi nainip ang kaganda ko at umupo muna ako sa upuan at pinatay ang video record sa phone ko. Gigil ako, sayang storage.
And then, sinet-up ko ulit yung phone ko at nakarecord na yun, ng bigla syang pumasok sa pinto. Yawa! Sis! Fail!
FAIL ANG AKING GULAT GULAT KALOKOHAN HUHU. SAKIT. MGA GANTO ๐ค
Sabi nya, "Nigagawa mo? Ano mangugulat ka nanaman dyan. Mas maganda kung nagpadaan ka nalang ng Tide. Gulat ka no." La, kung ano-ano pinagsasabi ng kapatid ko.
And then, nitong gabi naman. Hinanap ko si Shane kase nga wala sya sa tabi ko eh gumagawa kame ng Module.
"Si Shane?" Tanong ko kay Dave kase katabi ko lang sya at gumagawa rin ng Module—charot, nag naglalaro sya ng ML.
"Sikret, walang clue." Sagot naman nya. Tapos biglang pumasok sa isip ko na lumabas sya at bumili ng pagkain kase kanina pa daw sya gutom eh kakain lang namin. Opo, patay gutom sya, pero mas patay gutom ako. Joke.
Tapos sakto, paglabas ko ng pintuan ng bahay nakita ko sya!! Naglalakad pababa, pauwi. Ang saya nya pa habang winawagay-wag ang Piattos, halatang patay gutom๐.
HAHAHAHAHAHAHJA! Eh dahil mataba utak ko sa kalokohan. Gusto ko maging success ang Gulat-Gulat Kalokohan ko.
Nagtago ako sa Drum ng kapitbahay namin kase doon lang kasya ang Sexy at Kagandahan kong pangangatawan. Umangal may balat sa pwet.
"Tide pala gusto mo ah. Sige." Bulong ko ng maalala ko yung sinabi ni Shane sakin.
Tapos, syempre baliw ako, natatawa na ako kahit hindi ko pa ginagawa yung Kalokohan ko.
Nagworry ako kase may kasabay si Shane na lalaki sa likuran nya. Naglalakad sila papunta saken. Myghad!
Paano kaya pag nagulat rin si Kuya? Edi pinabaranggay ako?
Pero kahit na ganoon, tinuloy ko pa rin ang kalokohan ko.
"BaaAaah." Gulat ka no! Boang, wala pa. Try lang muna. Practice muna hehe.
Pabebe kase maglakad kapatid ko eh, mas dalaga pa sa Dyosa. Flip hair*
"Shane!" Sigaw ko ng malapit na sya, edi nagulat sya tapos napalo nya sa mukha ko yung dala-dala nyang Piattos.
Aray ko๐ญ Ang beautiness ko, bakit sa mukha pa?
"Epal ka! Hilig mo mangulat porke't lagi kang pinagpapalet!" Sabi nya bigla.
Tapos tumawa naman yung kasunod ni Shane na lalaki. Loh? Piling close si Kuya. Narinig ko pa na sabi ni Kuya, "Ah, pinagpalit." La, ipabaranggay ko kaya sya?๐๐ Ano satingin nyo?
Nang humiga ako sa kama. As always, lagi ako nababahing kaya umiinom ako ng Fluticasone. For Allergy, every night ako nagttake kase 24 hours sya. Ang hussle pag hindi ako nagtake ng isang araw kase babahingin ako whole day. Grr, ayoko na ng mangyari ulit yun sakin.
"Ano ba yan, Ate, nagulat ako sayo." Sabi ni Shane sakin ng bumahing ako. Natrauma sya HAHHAHA. Magugulatin na rin sya sksksksks.
"Gusto mo Tide diba? Gulat ka no?" Inis na sabi ko sakanya.
At ayan ang aking hapitot! I hope na napasaya ko kayo this time! Just always wear your smile and be positive. Nakakapanget ang laging Stress.
Look at me, always pretty kase di ako nagpapakastress. Always smile and do something na hindi kayo mas lalong mastress.
For now, gagawin ko muna ang Homeroom Guidance ko and Bye for now!
Sending love for you'll๐๐
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento