My Blog List

Module 3 Activities

 

Hi Blog! 

Magkukuwento muna ako sa araw na ito, habang ako'y naguupload ng mga larawan para saaking Blog ay bigla kong naalala yung mga panahon na bata pa ako, mga sampung taong gulang, noong bata kase ako kasama mga kapatid ko, hindi naman maiiwasang hindi kayo magasaran.

Tinanong ko yung dalawa kong kapatid, si Dave at Shane, ako ang panganay sakanila. Katabi ko lang sila dito sa hapag dahil kakatapos lang namin kumain ng umagahan.

Tinanong ko so Shane kung bakit Dabog ang pang-asar kay Dave dahil narinig ko lang sakanya ang pang-asar na yun. Dabog raw kase laging nagdadabog si Dave pag hindi nakukuha ang gusto nya. Si Dave ay bunso sa aming magkakapatid.

Si Shane naman ay Dugyot ang pang-asar namin dahil gusgusin syang bata noong maliliit palang kame, wala syang kaayos-ayos sa sarili, pero ngayong nagdalaga na sya (sya lang) natuto na syang mag-ayos ng kanyang sarili.

Tapos naliligo na sya ngayon dahil meron pala sya. By the way, dalawang araw syang walang ligo, ngayon palang sya maliligo— okay, fine, dugyot pa rin sya.



Ang rason naman nya dahil hindi sya naligo ng dalawang araw ay baka mabaliw raw sya. Kaya ayun nagbaliw-baliwan si Shane, muntanga. Edi, naiinis na ko kay Shane dahil ang kulit, dinadamay nya pa ko sa kabaliw-baliwan nya, edi tinanong ko si Dave kung kapatid nya ba si Shane.

"Hindi." Sabay na sabi nila. Natawa ako dahil sa pagkakasabay na sabi nila.




Kung ikaw ay magpopost sa Social Media kagaya ng Facebook. What's On Your Mind? Komento na.




At dito na natatapos ang aking Activities sa Module 3. Maraming Salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Swasdi khu tan

Welcome to my Blog, Babes! Ako ay si Claire Louis Arellano Casaclang, ang pinakacute sa Section Drucker ng Ika-labing isang baitang.  Leo C...