Gabi ng gawin ko ito at pinasa sa nakatakdang folder saaming G-Drive.
Kinabukasan, umaga naman ng gawin ko ang mga sagutan dahil ito'y pinahabol ng aming guro.
Kung makikita mo ay may sulat sa pinakababa. Hindi ko sinulat yan. May pinsan akong dalawang taong gulang na ngayon. Kasama ko sya ng magsagot ako sa gawain. May sarili ang pinsan kong notebook at doon sya nagsusulat ng kung ano-anong hindi mo intimdihan dahil panay guhit, bilog o kahit na anong pwede nyang isulat.
Nang aking pipikturan na ang gawin ko para isend o ipasa ay nagulat ako ng may sulat na.
Sinumbong ko sya sa nanay nya pero ako pa napagalitan. Ang galing, ako pa may kasalanan daw. Bakit ko raw kase iniiwan mga gamit ko, yan tuloy nasulatan ng anak nya.
Aba? Malay ko bang susulatan ng pinsan ko ang sarili kong notebook kung ganoong may sarili naman sya.
Pero sa huli, tinangap ko nalang na ako ang may kasalanan dahil na rin sa bata pa iyun at hindi pa alam ang tama o maling bagay-bagay.
hahahha....
TumugonBurahini love it
keep it up and keep going...
bleee...
....