My Blog List

Module 8 Activities

 


Hi Babes! Welcome to my blog again. 

So ayun nga today ay sasagutan ko ang Module 8 ko para wala na akong gagawin bukas. 

Medyo nahirapan akong sagutan ang Module 8 dahil hindi ko madownload yung SleM 8. Ayaw na ni Data, edi wag.














 
Time check 00:09 in the morning na. GOODMORNING BABES! So dahil wala naman akong relationship, babes na lamang ang itatawag ko sa mga nagbabasa ng Blog ko.

At ito na nga, may chika ako sainyo, nakakatakot sya may pagkacreepy slight and scary. skskskskskskks

So ito na nga, I have friend kase and she like horror's things or something na nakakatakot. Ako rin naman gusto ko kase parang nakakaexcite syang panoorin, hindi sya boring. And yung friend kong yun ay nakakakita ng mga spirits. Or maybe kase nagpapakita sakanya. Kase lahat ng mga nakikita nyang spirits eh mga kamag-anak nyang mga yumao na.

Oh my gosh, sana naman hindi dalawin ng kinukuwento ko, magisa lang kase akong nakahiga rito sa kwarto and nagpapatugtog ako ng Bts right now.

And syempre siguro nagpaparamdam sakanya na wala na sila kaya nagpapakita ganoon pero hindi sya nakakakita talaga ng spirits. In my opinion lang ha. Baka kase may third eye talaga sya eh kase nasapian na rin sya dati. Kaya siguro lapitin sya ng multo.

My mindset right now, may nakikibasang multo sa Blog ko, Oh my Ghosh?!. Wat da f sya kung nakikibasa sya eh hindi naman sya ang kinukwento ko, hala charot baka magparamdam sakin at hindi ako makatulog.

So yeah, that for my chika for today. Have a nice day, Babes!

Ika-dalawa ng Disyembre taong 2020

Hi, Babes, so today ay magsusulat ako ng Blog kase trip ko lang. Joke, gusto ko kase ng madaming kwento sa Blog ko.

At sabi nga ni Sir Coloma, parang memories na rin namin ito na someday ay aming bibisitahin at mababasa.

Kaya hanggat ako'y hindi pa tinatamad, ito na ang aking Kalokohan 101.

Alam nyo bang gustong-gusto kong gulatin ang Lola ko, wala lang kase trip ko lang. 

Lumabas si Lola sa bahay ng hindi ko alam. Kaya ng pagkalabas ko para kumuha ng damit ko dahil nga kakalaba palang ni Lola at nakasampay sa labas. Aksidente kong nakita si Lola na pumipitas ng Sili sa halamanan nya. 

Nagtago ako sa motor na nakaparada malapit sa kinukuhaan ni Lola at pinipigilang hindi matawa. At dahil busy ako sa kakatawa, nalagpasan na ko ni Lola. Yawa. Halata charot.

Tumayo na ko sa kinatataguan ko at handa ng gulatin si Lola. 

Hinawakan ko sa balikat si Lola at bigla syang nagulat. Natawa naman ako ng malakas dahil hinawakan ko lang sya. HAHAHAHAHAH, GRABE KASE MAGKAPE SI LOLA AHAHJAJAJAJAJAJA. 

Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay ng hampasin ako ni Lola. Mas natawa ako ng makita ng kapatid ko ang ginawa ko sa Lola ko. Sinunbong pa nga nya ko kay Tita eh. 

At iyan ang aking kalokohan 101. 

Mabilis talagang magulat si Lola. Nung natutulog nga sya tapos lumabas ako ng kwarto nya kase nakalimutan ko phone ko sa baba eh nagulat sya dahil sa bigla kong pagsara. AHHAHAHAHAHAJAJAJAJA tawa ulit kayo. Isa pa tawa ulit kayo. La, peke ka tumawa. Yung tawang baliw dapat.

CHARING. 

Ito pa isang chika ko, sa last Blog ko, nabanggit ko yung panaginip ni Sam and guess what? Nanaginip rin ako, kaming apat. Ang weird lang kase bakit naman ganoon? Siguro kase dahil miss ko na sila o talagang gaya-gaya lang dreams ko, charing.

So ito na nga, magkakasama kameng apat, sa school, tapos kameng apat lang nasa School tapos madaming pagkain raw sa Mathay Building, kaya doon kame natulog tapos biglang nagswitch na nagtatawanan kame sa kalsada, kameng apat, tapos natulak ko si Mhel dahil sa corny nyang joke, then sakto namang may asong nakahiga sa pinagtulakan ko kay Mhel.

Tinahulan kame ng aso at dahil tumakbo si Sam, tumakbo rin yung aso papunta samin. Kaya ayun tumakbo kameng apat. Tapos bigla akong ginising ni papa😃👈 Okay na eh, titignan ko pa nga kung sino kakagatin ng Aso eh. Kaso sayang, ginising ako. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Swasdi khu tan

Welcome to my Blog, Babes! Ako ay si Claire Louis Arellano Casaclang, ang pinakacute sa Section Drucker ng Ika-labing isang baitang.  Leo C...